first day funk...
katatapos lang ng unang araw ko ngayong 2nd sem...medyo napagod ang mga binti ko sa kakalakad ngunit ang aking katauha'y nag-uumapaw sa ligaya't at tuwa na muling masilayan ang mga taong nagbibigay ng lakas sa akin upang patuloy na labanan at pagtagumpayan ang mga hamon ng buhay...
marami akong ginawa ngayong araw na ito...kagagaling ko lamang sa Filipiniana para humiram ng books na mayroong mga maikling kuwento ng mga batikang manunulat sa Filipino.. ito ay kaugnay sa aking pangarap na makasali sa Ustetika...ngunti ako'y balot na naman ng pangamba at pag-aalinlangan na baka ang aking katha ay isang basura kung itutulad sa iba..ngunit sabi nga ni Deda, "Ano ka ba? Ang importante nag-try ka.." tama nga naman siya...walang masama kung ako'y mabigo...malawak pa ang aking gugugulin upang aking baguhin ang kung anuman ang kamalian ko....tatlo ang aklat na aking hiniram...ang isa'y kay Liwayway Arceo...ang isa naman ay sa iba't-ibang manunulat..at ang isa ay mga kuwentong nabigyang parangal sa Palanca..
nakapagrenue na rin ako ng aking scholarship... sa awa ng Diyos ay nakapagpa-encode na ako sa OSA at natapos na rin lahat ng kailangang asikasuhin...lamang ay 10340.80 lamang ang aking discount sa tuition...magbabayad pa ako ng kulang-kulang 9000 sa prelims...
medyo tanghali ang aking gising sapagkat 9:00 pa naman ang simula ng aming klase dahil sa isang faculty meeting...dumating ako ng maaga sa pav at agad kong nakita sina Jai, Shane at Melai...si Melai may dalang chocolate para sa akin...mabait talaga yun sa akin...matapos yaon ay dumating na ang iba naming kamag-aral...nagsimula ko na ulit maramdaman ang ingay at tawanang mahigit tatlong linggo ko ring inasam at nakaligtaan...ng dumating si Deda ay aking ipinabasa sa kanya ang aking bagong tapos na kuwento na may pamagat na "Anatomy and Physiology"...isang kuwento ng malupit na kapalaran ng isang lalakeng umibig ngunit binigo ng kanyang irog...maganda raw ang kayarian ng aking gawa ayon na rin sa mga nakabasa nito...yun lamang ay mabilis masyado ang naging takbo ng mga pangyayari...mayroon daw nawawalang talata na sana'y nakapagpaliwanag sa kinahantungan ng isang karakter sa kuwento...ngunit kanila namang pinuri ang hindi maulinigang takbo ng mga pangyayari..ito ngayon ang nag-udyok sa akin upang lalo pang pagbutihin ang aking pagsusulat sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga katha ng mga batikan sa ganitong larangan...nawa'y maging matagumpay ako sa aking gagawin...
nakakuha na ng application form para sa Ustetika..sana ay magawa ko ng maayos ang aking ipapasang mga katha...
wala pang gaanong gurong pumasok sa amin..dalawa lamang ang aming nakita...si Maam Alonsabe at Maam Azares...sana bukas mas marami na sila...isa na doon si Maam Baysa na kinatatakutan ng lahat...
sa aking pagharap sa isang panibagong yugto ng aking buhay, marami akong naisip at naulinigan...ang buhay pala hindi isang laro na kapag umayaw sa iyo ang pagkakataon, aayaw ka na rin...ito ay patuloy na pakikibaka upang mabuhay at sa huli ay magtagumpay...hindi man kaagad na natatamo ang tagumpay na pinakamimithi..ito ay darating sa tamang panahon na nais ng Poong Maykapal...sa bawat pagtahak ko ng daan ngayon, alam kong mayroong Gumagabay sa akin patungo sa kung ano ang tama at nararapat...tunay, ang buhay ay misteryoso...hindi mo ito madaling mawari...ang pagkitil ng sariling buhay ay malayong solusyon sa kung ano man ang pasaning dinadala..bagkus ito ay nagdudulot lamang ng mas malalang pasanin...ang dapat nating gawin ay ang pagtibayin ang ating pananampalataya...walang tigil na tumawag sa Kanya at ako'y nakakatiyak na hinding-hindi Niya tayo bibiguin...
mabuti ang Diyos nating mahal...
Siya'y laging nakikinig at gumagabay...
Tayo'y tumawag at Siya'y tutugon..
To God be the Glory...


0 Comments:
Post a Comment
<< Home